Wednesday, September 28, 2011

Y.E.S. Catholic Charismatic Community International


Y.E.S. CATHOLIC CHARISMATIC COMMUNITY INT'L., INC.
(Montalban, Rizal Chapter)

Friday, May 27, 2011

PREX Class 81 Montalban (Parish Renewal Experience)


PARISH RENEWAL EXPERIENCE o PREX. Noong bata pa lamang ako ay narinig ko na ang salitang ito, ang PREX. Mula sa aking lola na dati naging lingkod sa parokya ng banal na Sto. Rosario dito sa aming bayan, ang Montalban. Sinabihan niya ang tita ko na isa ring lingkod noon bilang lektor na dumalo sa gawaing ito at nang sumunod na ilang buwan pa ay maging sa pangalawang kong kapatid na aking kuya na dati ring lingkod bilang mang-aawit, lektor na ngayon ay seminarista ang inakay naman ng tita ko upang dumalo dito. Napaisip ako kung anong meron dito, isa ba itong malaking salu-salo lamang, kasiyahan, party o pagtitipon ng mga taga-simbahan, isa ba itong organisasyon o samahan para sa mga nangangailangan ng tulong sa kapwa natin katoliko sa lipunan gaya ng pagkain, tirahan, edukasyon o anupaman, ngunit malayo pala ito inaakala ko. Marami akong mga katanungan dahil masaya sila matapos sila dumalo sa gawaing ito at limitado lang ang kanilang pinag-uusapan sa mga naging karanasan nila dito. Gusto ko sumama sa kanila noon ngunit hindi pa ako pwede at sabi pa nila dapat ay nasa hustong gulang ako para makadalo. Kaya naman hinintay ko ang panahon na iyon.
Dumating ang panahon na iyon at marami ang tinawag ng Diyos at isa ako sa mga hindi tumugon marahil sa mali kong pananaw - "bakit pala ako dadalo diyan eh hindi naman ako lingkod ng simbahan at wala naman ako kakilala nakakahiya naman". Lumipas pa ang ilang taon ang pinsan ko naman ang dumalo ng PREX, muli na naman nagpaanyaya ang Diyos ngunit eto na naman ako, hindi parin tumugon sa panawagan Niya dahil sa mali ko na namang dahilan - "sige dadalo ako kapag may kasama ako para kapag wala akong kakilala, may makausap naman ako ". Pinalipas ko na naman ang pagkakataon sa pagdalo dito sa gawain ng PREX. Sa pagnanais ko nang dumalo dito at sinabi ko na sa sarili ko na "sige na, oo dadalo na ako sa PREX" ngunit nahinto naman ito ng ilang taon. Labis akong nanghinayang sa pagkakataon na iyon. Sandali akong nagnilay at naisip ko ang Panginoon, sabi ko sa sarili ko - "isang beses lang naman ako dadalo sa klaseng ito bakit hindi ko pa magawa". Ganito siguro marahil ang nais Niyang iparating sa akin noong paulit-ulit Siyang nagpapaanyaya sa akin at paulit-ulit ko naman ang hindi pagtugon sa kanyang panawagan.
Muling nabuksan ang PREX sa aming parokya nitong taong kasalukuyan may nagyaya sa akin, ako naman ay tumugon, may kasama rin ako na gusto rin dumalo ngunit namutawi sa akin ang pag-aalala sa maaaring maging hadlang at heto na nga ang hadlang. Sinikap ko talagang dumalo noon sa unang araw ng PREX No.80 ngunit hindi ako nakaabot dahil sa personal na dahilan at inuna ko pa ang ibang bagay na kung tutuusin ay wala naman halaga iyon sa akin. Ang inisip ko nalang na ganito siguro kumilos ang kampon ng masasama, hindi mo namamalayan kumikilos sila hadlangan ka sa simula pa" "hindi ako papatalo, lingkod ako ng Diyos".
Hinintay ko ang sumunod na pa-klase ng PREX buwan ng Mayo 2011. "Paghahandaan ko ang pagkakataong ito na dumalo sa PREX Class 81, pagtutuunan ko ito ng pansin, uunahin ko ang gawain na ito kaysa sa ibang bagay na hindi naman mahalaga sa akin, ipagdarasal ko na makadalo kahit mag-isa lang ako".
PURIHIN ANG PANGINOON naging matagumpay ang PREX Class 81. Umabot kami sa klase halos animnapu (60) katao. Sa tatlong araw na daloy ng klase, masasabi ko na lumalim ang pananampalataya ko sa Panginoon sa karagdagang natutunan ko sa PREX at may mas malalim pa na dapat kong abutin sa pagkatao ko. Salamat sa Diyos at alam ko na ngayon kung saan ako karapatdapat na pumanig, dito sa Romano Katoliko, kapiling si HesuKristo.
Dati akong lingkod na mang-aawit sa El Shaddai DWXI na ngayon ay nasa Y.E.S. Catholic Charismatic Community na ako bilang isang mang-aawit din, kuntento na ako at masaya. PURIHIN NATIN ANG DIYOS matapos ang PREX Class 81 hindi ko inaasahan na nagkaroon pa ako ng mas maraming kaibigan at ministeryo ng kinabibilangan. Napahintulutan ako na maging miyembro sa PREX Music Ministry, ganun din sa Biblical Apostolate, Lector's & Commentators Ministry at maging sa Youth Ministry na nais ko rin tumulong at gumabay sa kanila. Masasabi ko na lumalaki ang aking pamilya kasabay din nito pagyaman ko sa kaibigan.